Bella Padilla, pinag-uusapan ngayon ang seksing-seksi na mga larawan niya na kuha sa Boracay



Kahapon lang ng i-post ni Bela Padilla ang tila sexyng-sexy niyang mga larawan sa kanyang Instagram account, na kung saan talaga namang pinag-uusapan ito ngayon.

Dahil hindi raw feeling celeb, o ‘yung sikat na sikat na takot na takot sa mga tao, ang naging eksena ni Bela Padilla sa Boracay. Parang ordinaryong tao nga lang si Bela na palakad-lakad sa mga kalsada ng Boracay, na tulad ng ibang turista ay nagsi-selfie, nagbi-video maya’t maya.


Katuwa rin lang daw na tinitingnan lang din talaga siya ng mga taga-Boracay habang nag-i-enjoy siya. Hindi siya iniistorbo sa mga ginagawa niya.


At ayos rin naman daw, at dahil may mga maliliit na negosyante sa Boracay na natutulungan ni Bela. Tulad na lang ng isang tindero (kariton ang dala) na inilalako ang mga mangosteen at durian, at todo promote talaga si Bela sa mga tinda, na ang sarap, ang tamis.



Tulad nga ng mga babaeng turista sa Boracay, todo display rin si Bela ng kaseksihan niya. At ganu’n nga yata ang epekto kapag ang pakiramdam mo ay kaisa ka rin sa lahat ng mga tao roon, na hindi ka nagpi-feeling sikat, dahil mas malaya mong nagagawa ang mga gusto mo.


Mababasa nga sa IG ni Bela na parang ang mga tao na nasa Boracay ang nahihiyang lapitan siya para makapag-photo op, dahil sa attitude niya na normal na normal.


Comments