Bella Padilla nabuking nang may inamin si Iyannah sa 'Magandang Buhay'





'Sino ang may sala' casts na si Bella Padilla at Iyannah Joyce Sumalpong ay naging guest ng isang segment ng 'Magandang Buhay' na ipinapalabas sa Abs-Cbn.


Habang nag usap-usap ang mga hosts at ang mga guests ay tinanong ni Jolina kung ano ang special sa kanya at inamin ng child actress na binigyan daw sya nga laruan at damit ni Bella at iyon daw ang pinaka favorite niya na natanggap sa kanya.





Natouch naman ang mga hosts sa ginawa ni Bella Padilla dahil sa sobrang sweet nito sa bata at tinanong ni Melai kung paano nalaman ni Bella Padilla kung ano ang gusto niyang gift at ang sagot niya ay, “Kasi po may ano po siya, may kaibigan po siyang Amerikano po, Englisero.”



Napayuko ang ulo ni Bella Padilla at tumawa ito. Nagsitawanan ang mga hosts sa pagiging honest ni Iyannah at tinanong naman ni Karla Estrada na, Aba nabuking ka ha! Sweet ba sila? Sweet ba sila nung kaibigan niya?” “Di ko po siya masyado alam eh.” sagot ni Iyannah.




Tumawa habang nasurprise si Bella at sumagot nang pabiro, “Hoy, last two weeks na natin, preno preno lang.”


Panoorin ang video:








Sino ang Maysala?: Si Mea Culpa ay isang Philippine drama television series na nag umpisa noong April 2019 na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria, Bela Padilla, at Iyannah Joyce Sumalpong.

Comments