Bea Alonzo, may sinagot matapos kumalat ang kontrobersiya at sa viral statement ni Julia





Kamakailan lang ay naging viral ang statement ni Julia Barretto na binibwelta si Bea Alonzo tungkol sa relationship issues niya. Sinabi din niya na ininsulto umano siya ni Bea sa pamamagitan ng pagpopost sa social media na lumala pa ng dahil sa mga reaksyon ng mga netizens at mga supporters ng aktres.


Ilang araw ang lumipas ay naging usap-usapan ang isyu sa social media at nadamay pa ang mga artista na malalapit sa kanila. Isa na dito ay Bella Padilla na kinwestyon nang sumama ito sa dinner ni Bea Alonzo kahit malapit ito na kaibigan ng kapatid ni Julia Barretto na si Dani. Pero sa isang interview with Tito Boy Abunda ay kinlaro naman niya ito na ito ay trabaho lang nila at walang halong personal na rason.






Ilang araw din na naghintay ang mga netizens sa sagot ni Bea Alonzo matapos magpost si Julia Barretto laban sa kanya. Pero hindi sumagot si Bea at patuloy na lang ito nagmomove on at nanahimik na lang.


Isang netizen ang nagpost sa social media para ipakita sa mga fans ng aktres na may conversation sila sa isang matalik na kaibigan ni Bea Alonzo matapos nagviral ang statement ni Julia Barretto.



Isinabi dito na aware daw si Bea Alonzo sa mga nangyari at hindi niya inakala na maging hot topic ito sa buong mundo. Sinabi din ng matalik na kaibigan ni Bea na nagkasama daw sila noong isang gabi at nagkausap tungkol sa nangyari. Hindi inakala ng aktres na madaming sumusuporta sa kanya at naoverwhelm daw ito at nagpapasalamat sa nagmamahal sa kanya at nababasa daw niya lahat ang mga messages galing sa mga fans.




Ilang mga netizens ang nagreact sa post:





Si Bea Alonzo ay isang sikat na artista na naging loveteam ni John Lloyd Cruz sa iba't-ibang pelikula at teleserye. Ang kanyang latest movie ay ang horror film na "Eerie" kasama si Charo Santos.

Comments