Bea Alonzo, in-unfollow sina Julia Barretto at Gerald Anderson, usap-usapan sa social media





Usap-usapan parin ngayon sa social media at sa mga netizens ang topic na Bea-Gerald-Julia nang biglaang pagkawala ni Gerald at hindi na nagparamdam sa kasintahan na si Bea Alonzo at nalaman nalang na may ibang ininterest na aktres na dinududahang si Julia Barretto ng mga netizens lalo't-lalo na nang niliked lahat ni Bea Alonzo ang mga posts ng isang netizens tungkol sa closeness ng dalawang "Between Maybes" casts pagkatapos magpost sa Instagram tungkol "pangangaliwa" ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.


Ilang araw ang nakalipas ay inamin ng aktres na si Bea Alonzo sa isang interview na hindi sila nagkahiwalay at bigla nalang hindi nagparamdam ang kanyang boyfriend at nalaman nalang niya na nagsalita na pala ang boyfriend na single na siya.







Sumiklab ang kontrobersya at naging trending ang nangyari sa magkasintahan, at hanggang ngayon ay wala pang sagot sa kabilang kampo nina Julia Barretto at kay Gerald Anderson.


Ang instagram ni Julia at tinanggalan niya ng comment section dahil sa dami ng umatake sa kanya habang si Gerald naman ay hindi di nagupdate sa kanyang Instagram account at hinayaan ang mga fans at ibang netizens na nagreact and nagkumento ng hindi maganda sa kanya.


Napansin din ng mga netizens na in-unfollow na ni Bea ang dalawang artista sa kanyang instagram account at hindi maiiwasan na sa mga nangyari ay tila mas marami ang sumusuporta kay Bea Alonzo at nakisimpatya sa kanya.



“Go Bea! Masakit man pero move on na, di sulit ang mokong na lalaking yun! “

“Bea blocked them”

“So kung di pa nabalita, di pa mag-uunfollowan? Hahaha”

At least si Bea na ang unang gumawa ng di magawa nung dalawa. "


Si Bea Alonzo o si Phylbert Angelie Ranollo Fagestrom sa totoong buhay ay kilala bilang isang mahusay na aktres sa pelikula at telebisyon. Isang Briton ang kanyang ama at Pilipina naman ang kanyang ina. Sumikat siya noong napansin ang kanilang chemistry ni John Lloyd Cruz at tuloy tuloy na ang kanilang successful movie na sila ang kalove team. 

Comments