Andrea Brillantes nag-uumapaw ang saya sa ginawa sa kanya ni Seth Fedelin



Manila, Philippines – Hindi maitatanggi na mataas ang ratings ng "Kadenang Ginto" na kung saan isa sa mga stars sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin at mukhang patok sa mga netizens lalo na sa mga kabataan ang kanilang tambalan. Sa IG ni Andrea Brillantes ay kanyang ibinahagi ang nakakakilig at talaga namang nakaka-touch na surprise sa kanya ng kanyang ka-love team na si Seth Fedelin. Sa caption ni Andrea Brillantes sa kanyang IG-post kanyang sinabi na "First time experiencing a surprise like this!! Thank you potchi! @imsethfedelin 😭🥰 syempre di naman ako tatanggi maging partner mo sa Abs Cbn ball lakas mo sakin eh 💚."

Ibinahagi din ni Seth sa kanyang IG kung gaano ka-special si Andrea sa kanya sa katunayan sinabi niya sa kanya caption sa IG-post niya "Salamat marga este ms. @blythe sa pagpayag na maging kapartner ko sa darating na AbsCbn Ball. At lagi mong tatandaan Kahit na anong sabihin ng iba respeto ko sa iyo ay kailanman hindi mawawala." Kayo bet niyo ba ang kanilang tambalan?


imsethfedelin IG




Comments