Alden Richards, type raw ang ex ni Gerald na si Bea Alonzo


Lalo nga raw dumarami ang nanonood ng Hello, Love, Goodbye kahit daw nag-uulan ay sumusugod ang mga fans sa mga sinehan, dahil na rin sa magandang feedback na natatanggap nila.

Naka-P110 million plus na ang kinita ng pelikula sa ikatlong araw nito sa mga sinehan. Eh nag-weekend pa at sobrang haba ng pila pa rin ang mga fans, at sunod-sunod ang mga block s­creening.


Napakasuwerte raw ni Alden Richards sa una niyang pelikula sa Star Cinema na talaga namang  tumabo raw nangtodo-todo.


At nangangamoy ng panibagong project. At balita ko ay si Bea Alonzo naman ang type niyang makasama sa project na ‘yon kung saka-sakali.


Natuwa si Alden na nag-attend si Bea sa premier night nila, at aware kasi siya na mahusay na aktres ang dalaga, na single nga ulit ngayon, dahil hiwalay na nga sila ni Gerald Anderson.


Puring-puri pa siya ng mga bossing ng Star Cinema. Kaya abangan daw ang bonus.
Loading...

Comments