Vilma Santos, nagbigay mensahe kay Luis Manzano pagkatapos magviral ang Angel controversy




Si Vilma Santos, ina ni Lucky Manzano ay nagbigay mensahe sa anak na ipinakita sa isang segment ng "Magandang Buhay."


Si Luis Manzano at ang kasalukuyang kasintahan na si Jessy Mendiola ay inimbita bilang guest sa "Magandang Buhay" show na ipinapalabas araw-araw sa Abs-Cbn.


Ang mensahe ng aktres at pulitiko na si Vilma Santos ay hindi nag-alinlangang nagbigay ng positive comments at mensahe sa anak pagkatapos kumalat ang trending video ni Luis tungkol sa kanyang reaskyon sa Angel Locsin - Niel Arce engagement na pinag-uusapan ng mga netizens ngayon at sa social media.





Nang dahil nito, maraming mga netizens ang nag-bashed sa aktor at tila hindi pa natatahimik yung iba lalo't-lalo na nang binoblock ng aktor ang mga netizens.


Sabi ng iba, halata pa daw na hindi nakamove-on o ano pa etc.



"Ang importante lang ay maligaya kayo. Lucky, you are very, very happy and I would like to thank Jessy for making you really happy with your life. So God bless you and if there's anything nandito lang si momski. I love you both and we love you both. God bless your relationship," -Vilma Santos

Si Vilma Santos ay isang beteranong aktres  na tinaguriang "Star for all Season" at ngayon ay isang politician at asawa ng Senator na si Ralph Recto. Si Luis "Lucky" Manzano ay anak ni Vilma Santos sa dating karelasyon nito na isa ding aktor na si Edu Manzano.

Comments