Vice Ganda, sobrang dami ang ibinigay sa nanay ng isang TNT contender sa It's Showtime





Nagtrending ngayon ang isang segement ng Noontime show sa Abs-Cbn na "It's Showtime" nang nagbigay ng madaming regalo ang Unkabogable Phenomenal Superstar na si Vice Ganda matapos napaiyak ito at na-inspire sa estorya ng isang nanay na sinamahan ang anak bilang kalahok ng TNT (Tawag ng Tanghalan) sa programa.


Nang kinausap ni Vice ang isang nanay ay napaantig ang puso nito nang sinabi niya ang hirap ng buhay na dinadaanan nila. Naglalabandera daw ito sa kapitbahay para makapag-ipon ng pera pambaon sa kanilang anak.


Nang dahil nito ay napaluha ang host at ang ibang madlang pepol at binigyan niya ito ng mga regalo na hindi inakala ng mag-ina.







Sobra-sobra ang ipinamigay ni Vice Ganda sa nanay at sadyang ikinatuwa ito ng mag-ina at mapaluha pa ito.


Madaming netizens ang nabighani sa ginawa ni Vice:


"Si nanay hirap na hirap na sa buhay kaya ganyan ang kasiyahan niya."  

"Kung nagbigay ka mas madami ang ibabalik ng Diyos sa iyo. Kaya look how successful Vice is." 
 

"Naiiyak ako kay nanay! sobrang hirap sya, dininig ng dios ang panalangin nya, sa pamamagitan ng anak nya sa pagsali ng tnt, nabigyan sya ng chance na tulungan sya ni vice.. God is using people as an instrument to help this poor family! to God be the Glory!!" 
 
"Sino dito ang umiiyak at tumatawa habang nanonood?"


Panoorin ang buong video at mainspire kayo:


Comments