Vice Ganda, namanhikan na raw kila Ion "Kuya Escort"


Matagal-tagal na rin ng mag mula nang mabuking na mayroon na palang tawagan sina Vice Ganda at "Kuya Escort" Ion Perez (na Betnog at Betla), tila mas kakaiba na talaga at nangangamoy na ang real score sa kanila, dahil nakita nga kamakailan sa Instagram story ni Vice na dumalaw ito sa bahay nina Ion.

Sa palagay ng mga fans ay bilang jowa na nga, Ganoon daw kase ka-advance mag-isip ang madlang people.


Kalat na nga rin daw nga­yon sa social media ang naganap na pagbisita ni Vice kina Ion na inihambing pa ng mga fan ito bilang "pamamanhikan".


Abot sa kabilang universe nga ang kilig ng mga fan sa pangyayaring iyon at hinihintay na nga lang ang kumpirmasyon nina Vice at Ion kung ano na nga ba talaga ang tunay na estado ng kanilang relasyon.


Kita naman kasi sa mga litrato na masaya si Vice at hindi talaga matawaran ang ngiti na nakita ng mga fan sa kanya sa pagpunta nito sa bahay nina Ion.


Kumakalat din sa Twitter ngayon ang litrato na nakayapos nang mahigpit si Ion kay Vice. Nakadikit na rin ang labi ni Ion sa pisngi ni Vice habang malagkit talaga ang samahan nila na tipong pose ng mag-dyowa talaga! (Athena Yap)

Loading...

Comments

  1. Some of them work independently while others work for an agency. So, it's better to choose an agency instead. Given below are a few tips that can help you choose the best agency. I find a very good blog for the London escorts Lucy, If you want you can visit this site.

    ReplyDelete

Post a Comment