Vice Ganda, ibinuking si Ryan Bang, umani ng iba't-ibang reaksyon ng netizens


Kamakailan lang ng ibuking ni Vice Ganda si Ryan Bang na kung saan niligawan pala ng Koreanong comedian na si Ryan Bang si Yeng Constantino. Mismong si Vice Ganda ang nagbuking kay Ryan sa nakaraang episode It’s Showtime.

Isang Tawag ng Tanghalan contestant kasi ang nagkuwento na may sarili siyang composition na may title na “Friendzoned” kaya ang hirit ni Vice swak na swak ito sa naranasan noon ni Ryan nang ligawan ang Pop Rock singer na nasa studio rin bilang hurado.

Sabi ni Vice Ganda:

“Ryan, listen! Si Yeng Constantino, pumapalakpak! Kung hindi niyo naaalala, si Yeng ay isa sa mga nag-friendzone kay Ryan Bang!”

Singit naman ni Ryan:

 “gongbassador” ng TNT, totoong lumabas sila ni Yeng noon, pero ito’y para sabay silang dumalo sa isang church service.


Pambubuking pa ni Vice, naganap daw ang “paglabas” nina Yeng at Ryan ilang buwan bago maging official ang relasyon ni Yeng kay Yan Asuncion asawa na niya ngayon. Ikinasal sila noong February, 2015.


Tawa naman nang tawa si Yeng habang nagsasalita si Vice. Sa huli, binigyan pa ng sweet message ni Yeng sa dati niyang manliligaw.

“Alam mo, hindi pa ‘yan ang huli. Pakiramdam ko, darating din ‘yung babae na sobrang ma-a-adore ka, at sobrang iri-respeto ka, at mamahalin ka rin, kaya cheer up!” pahayag ng Kapamilya singer.

Loading...

Comments