Sue Ramirez, ready na raw sa "Rock Chic"


Handang-handa na raw ang Kapamilya singer-actress na si Sue Ramirez para sa kanyang first major solo concert na “Rock Chic.”

Pagkatapos ng kanyang matagumpay na pelikulang “Sunshine Family,” kinarir na agad ng dalaga ang rehearsal para sa kanyang bonggang concert. At talagang hands-on daw si Sue sa preparasyon at sa production ng “Rock Chic” para masiguro na tatatak ito sa kanyang mga fans and social media followers.


Dito patutunayan nga ng singer-actress na may ibubuga rin siya pagdating sa pagpe-perform. Inamin naman niya na inaatake na siya ng matinding kaba habang papalapit na ang kanyang concert pero aniya, pinapalakas ng mga taong nagmamahal sa kanya ang kanyang loob.

Sabi ni Sue:

“Medyo nagka-cram ako pero I’m so excited na gawin lahat with the help of the people around me,” 

“Thankful ako sa lahat talaga especially kay God na binigyan niya ako ng ganito kadaming blessings all at the same time.”


Makakasama ni Sue sa concert na ito ang mga kaibigan niyang sina Kristel Fulgar at Maris Racal, na nakasama niya sa “4 of a Kind: The Un4gettable Concert” noong 2017 with Loisa Andalio. Special guest din dito si Michael Pangilinan.


Gaganapin ang kanyang “Rock Chic” concert sa July 19 sa Music Museum produced by FLM Creatives and Productions with Frank Lloyd Mamaril as director and Marvin Querido as musical director.

Ito ay co-presented by Top-O together with major sponsor Natasha and minor sponsors I Love My Sisters, Faber Castell, GSM Blue, GAOC and Belo Medical Group. For tickets, call Ticketworld (891-9999) and FLM Creatives and Productions (573-9022).


Loading...

Comments