Sue Ramirez, nagpunta raw sa presscon nang walang suot na bra


Kamakailan lang ng maging usap-usapan na walang bra raw ang Kapamilya singer-actress na si Sue Ramirez nang dumalo sa presscon ng 2019 Pista Ng Pelikulang Pilipino kamakailan.

Buong loob daw nitong ibinandera ni Sue nang umakyat sa stage para sa entry nilang “Cuddle Weather” opposite RK Bagatsing, directed by Rod Marmol.

Sabi ni Sue:

 “Nakakahiya at naka-Amerikana pa naman… pero wala akong bra!” Talagang in character siya nang humarap sa press as Adela Johnson of “Cuddle Weather”, ang tinaguriang “best slut in town.”


“Napakatapang na desisyon ang hinarap ko para tanggapin ang project na ito. Pero no hesitations at all nu’ng nabasa ko iyong script dahil it’s something I’m afraid to do.

“Sabi ko nga this year I’m going to venture out to things that I’m afraid to do,” aniya

Dagdag pa niya sa panayam ng ABS-CBN:

“Noong una akala ko mahihirapan ako pero working with all the people behind the cameras, I was well taken care of.”

“They asked me if I was comfortable with the scenes and if I’m not, medyo may mga itre-treat sila. I felt very safe,” aniya pa.


Produced by Project 8 corner San Joaquin and Regal Entertainment, mapapanood na ang “Cuddle Weather” simula sa Sept. 13 to 19 bilang bahagi pa rin ng PPP 2019 organized by Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pangunguna ni Chairperson Liza DiƱo.

Loading...

Comments