PBB ex-housemate Hasna, sinagot ang kontrobersyal na isyu sa kanyang pangunguha sa loob ng bahay ni kuya





Isang ex-housemate na si si Hasna Cabral sa Pinoy Big Brother (PBB) na  ay isinagot ang kontrobersya sa kanyang "pangunguha" noong siya ay nasa loob pa ng bahay ni kuya.


Maraming netizens ang nagdududa na ang tanging dahilan kung bakit napalayas  sa bahay ni kuya ang nasabing ex-housemate ay dahil sa ginawa niya sa tungkulin ng "brick tower".


Nagpasya si Hasna at ang kanyang mga kasamahan sa grupo na "manguha" ng ilang mga brick mula sa kanilang mga ka-housemate upang magkalamang sila sa mga tasks ni kuya para mas tumaas ng kanilang tore. 

Maraming netizens nadisappoint sa ex-housemate matapos makita ang kanyang mga aksyon sa pagkukuha ng mga bricks. 







Si Hasna Cabral,  ang "Ukay Nanay Ng Cavite" ay isa sa mga paborito ng mga netizens upang maging isa sa kalahok na maging PBB winner. 


Kamakailan lang ay nag guesting ang ex-housemate sa "Tonight With Boy Abunda." Una niyang sinabi na tinatanggap at iginagalang niya ang mga opinyon ng mga netizens bagaman ang ilan sa kanila ay hindi pabor sa kanyang ginawa pagkukuha. Isa sa mga ibinahagi niya ay hindi niya tinatanggap ang aksyon na pagnakaw dahil lahat ng kilos niya ay nakikita ng buong mundo.


“I want to tell everyone na lahat ng opinyon niyo [ay] valid. Lahat po ina-accept ko. Siguro sa iba, parang wala akong remorse. Pero I’m that kind of person kasi na all negative comments, ginagamit ko siya to build myself… Wala po kasing clear na rules talaga si kuya. Ang sinabi niya is diskarte namin kung paano papataasin [yung tower]. Our group asked kuya, ‘Okay lang po ba yung manguha ng bricks?’ And then kuya said, "Kayo, diskarte niyo yan." Hindi naman po kasi talaga kailangang isulat sa rules na masama po yung pangunguha ng pinaghirapan ng iba… which made us realize na, ‘Oo nga naman. Hindi kailangan sabihin sa inyo na mali yun.”


Panoorin ang full video:



Loading...

Comments