Pag-unfollow nina Jimuel Pacquiao at H3aven Peralejo, pinag-uusapan sa social media



Kamakailan lang ay pinag-uusapan ng mga netizens ang biglaang pag-unfollow nina Jimuel Pacquiao at ang kasintahang si H3aven Peralejo sa kanilang mga Instagram accounts.

Napansin din ng mga netizen ang pagkawala ng mga posts nila na magkasama sa kanilang mga social media accounts.









Inamin ng dalawa ang pagiging couple nila noong March 2019 matapos ang panliligaw umano ni Emmanuel Paccquiao sa modelo ng isang taon.


 Isang pahayag ni H3aven Peralejo noong naging magkasintahan sila:

“Sanay na kasi ako na maging constant siya sa life ko for a year. Then he went to the US, for two or three weeks. Tapos na-miss ko siya, though nag-uusap pa rin naman kami noong time na ‘yun. Sabi ko, baka ‘yun na ‘yun! Doon mo kasi mare-realize kung gaano ka-importante ‘yung isang tao o bagay kapag nawala tapos na-miss mo. Tapos ‘yun, iba na talaga. First time ko kasi magkaroon ng boyfriend. Ganoon din sa kanya. It’s our first together."

Ilang mga netizens ang mga nag-react:

 "Break naba kayo? Sad naman everyday ko pa naman check ig nyo dalawa, tell the truth im avid fan of yours napansin ko na deleted na pics nyo together. Yong mga bashers wag  mong pansinin."

"We love you bebe whatever happens. We're here to support you. Be strong and God bless."

" Im a fan of the couple, how sad they parted ways na."

"Wala na sila ang sad."


Makikita sa mga posts ng dalaga ang mga solo videos at photos nito habang si Jimuel naman ay 3 weeks ago pa ang latest post nito. Wala pang balita o pahayag sa isa't-isa kung talagang hiwalay na sila.


Si H3aven Peralejo ay nakilala bilang isa sa mga kalahok ng Philippine reality show na ang "Pinoy Big Brother - Lucky 7", samantalang si Emmanuel Pacquiao ay ang anak ng Pambansang Kamao at Senador na si Manny Pacquiao.
Loading...

Comments