Next time na tawagin mo akong ‘babe mayor’ may penalty na; Vico says


Manila, Philippines – Ang bagong halal na mayor ng Pasig City na si Vico Sotto ay patuloy na maghahatid good vibes sa social media at talagang sinasagot niya ang mga netizens na nagpapadala ng mensahe sa kanya.

Pagkatapos ng kanyang viral photo kung saan tila nagkaroon ng wardrobe malfunction sa suot niyang barong during his oath taking last Monday, may panibago paandar naman ang anak ni Bossing Vic at talaga namang kinagiliwan ito ng netizens.

Isang taga-Pasig kasi na netizen ang tumawag sa kanya ng "Babe Mayor" na nakiusap na huwag sana niyang tatanggalin ang scholarship program sa Pasig dahil ito lang daw ang pag-asa niyang maka-graduate sa college.

Kaya naman sinagot ito ni Vico ng pilyo, “Yes for the first year we will maintain the current funding and focus on streamlining requirements, processeses. Pero next time na tawagin mo kong ‘babe mayor’ may 500 peso penalty hahaha!”

Bukod dito, may isa pang follower sa social media ang alkalde ng Pasig ang nagpahayag ng pagnanasa sa kanya matapos makita ang kanyang mukha sa isang tarpaulin na ginamit noong mag-celebrate siya ng kanyang 30th birthday noong June 17.

Say ng netizen, “Mayor @VicoSotto pakitanggal na nyan at pakilagay na lang sa bahay.” Na sinagot naman ni Vico ng, “Kunin mo na po magpapasalamat pa ko sa yo haha!”

Vico Sotto IG

Vico Sotto IG


Loading...

Comments