Netizens, nabigla ng muling masilayan si Kris Aquino sa TV na buto't balat na lang daw


Kamakailan lang ng maunsyami ang pag-asa ng mga loyalista ni Kris Aquino na muli siyang mapanood sa pelikula. Gustung-gustong gawin ng aktres-TV host ang pang-MMFF nilang pagtatambalan sana ni Derek Ramsay pero maraming nagmamahal at nagmamalasakit kay Kris ang kumontra.

Unang-una na ang kanyang mga kapatid sa nagpaalala sa kanya tungkol sa sak1t niya. Kalabisan mang sabihin, mahipan lang kasi ng masamang hangin si Kris ay nagkakaroon na siya ng allergies, delikado nga naman ‘yun para sa kanyang sitwasyon.


Sobra ang ipinangayayat ni Kris, may mga retrato siyang lumalabas na halos buto at balat na ang kanyang itsura, sobra siyang pinahirapan ng kanyang sakit.


Nagpakonsulta na siya sa pinakamahusay na doktor sa buong mundo, kayang-kaya niyang sustinihan ang mga gamot na kailangan niya, pero sige pa rin ang pag-atake ng kanyang allergies.

Kumento ng propesor na tutok na tutok sa kundisyon ni Kris, 

“Very open kasi siya sa pagdedetalye ng situation niya. Now, she’s being judged sa mismong mga kuwento niya.

“Kaya maraming fans niya ang nagsa-suggest sa kanya na magpahinga na lang, huwag na muna siyang magtrabaho, dahil makakasama ‘yun sa health niya.

“Hindi niya naman kailangang mag-work to survive, sigurado na ang future ng dalawang anak niya it’s about time na gawin niyang priority ang kaisa-isa niyang katawan,” nag-aalalang komento ni prop.

Loading...

Comments