Nabuking si Heart ng isang netizen sa panghihiram ng mamahaling bag


Manila Philippines – Alam ng marami kung gaano kasosyal itong si Heart Evangelista sa katunayan pagdating sa fashion style siya agad ang naiisip ng karamihan dahil talaga namang napakagaling niya pagdating sa fashion at isa pa hindi lang basta fashion kundi ang kanyang mga damit, shoes, dresses at bags ay hindi pangkaraniwang kundi lahat mamahalin.

Heart Evangelista IG


Pero sa isang netizen na nagtanong kay Heart about sa bag, mismong si Heart ang nagsabi na hindi naman lahat ng luxury bag na nagamit niya ay sa kanya talaga, Isang follower ni Heart ang nag-screenshot ng larawan niya na papasok sa Nail Spa na pag-aari niya. Makikita rin ang group shot nina Heart kasama ang asawang si Chiz Escudero, ang ina at ama niya, pati na ang kanyang ate.

Heart Evangelista IG


Throwback photo, na makikitang nakasabit sa balikat ng ina ni Heart ang signature bag. Ang Chanel bag agad na gamit-gamit ni Heart ang napansin ng kanyang follower at tinanong kung ginamit ba nito ang classic Chanel maxi bag ng kanyang ina o meron din siya nito na kaparehas na bag o binigyan siya ng kanyang ina ng parehong bag?

Hindi naman nag-atubili si Heart na sagutin ang follower at sinabing hiniram lang niya ito sa kanyang Ate Camille.

Naaliw ang mga follower ni Heart dahil nalaman nilang nakakahiram ang idol nila sa mga kapatid nito ng mga bag.

Heart Evangelista IG

Loading...

Comments