Moira Dela Torre, nabuwiset sa Joke ni Vice Ganda na tungkol sa kanya


Kamakailan lang ng maging usap-usapan si Moira ng mabuwis3t nga siya sa "joke" ni Vice Ganda tungkol sa kanya na nakatulog siya pauwi ng bahay nila, at papasok sa pinto nila.

Madalas gawing topic ni Vice Ganda si Moira, dahil sa istilo nito ng pagkanta na parang inaantok palagi. At sa ‘It’s Showtime’ nga, nagkuwento na naman si Vice tungkol kay Moira.

 Bungad na sinabi ni Vice:

“Alam mo si Moira nu’ng isang araw, pagkatapos ng ‘Idol PH’, tinawagan namin alas-onse na, ang asawa niya namomroblema na. Hindi nakauwi. Nakatulog,”


Inusisa ni Vhong Navarro sa kung ano ang nangyari at saan nakatulog.


“Nakatulog habang naglalakad. Nasa pinto na ‘yon, magdo-doorbell na, biglang nakatulog,” sagot naman ni Vice, sabay kanta na ala-Moira na parang inaantok nga.

“Nakatulog talaga siya! Hahahaha!” hirit pa ulit ni Vice, na naging hudyat para magtawanan ang lahat sa studio.


At sa Twitter naman, makikita ang reaksiyon ni Moria, na nagsalita nga ito ng "buwis3t" dahil sa joke na ‘yon ni Vice Ganda.


“Buwis3t ako na naman!” sabi ni Moira.



Loading...

Comments