Melai Francisco, binayaran ang renta sa bahay nila Francine Garcia dahil muntik na itong mapalayas


Kamakailan lang ng maging usap-usapan si Melai na kung saan sobrang nakaka-touch ang ginawa niyang pagtulong sa Kadenang Ginto star na si Francince Diaz. Grabe pala ang pinagdaanang hirap ng batang ‘to. Kaya feeling happy tuloy kami sa success na meron siya now.

Ni-reveal ni Francine ang pagtulong na ginawa ni Melai sa family niya financially. Ang TV host-comedienne kasi ang nagpahiram ng pera sa parents niya para mabayaran ang utang nila sa renta ng tinitirhan nila para ‘di sila palayasin.


“Kasi po muntik na talaga kaming mapalayas noon tapos wala kaming ilaw non talaga po, so nakaligpit na po gamit namin, nasa box na, nakaayos na.



“Tapos hindi po namin alam kung saan kami lilipat, tapos wala po kaming kuryente tapos pinaki-usapan po namin si ate Melai kung pwede manghiram ng ganito, ganyan.

“Tapos sumagot po siya, so ‘yun nakabayad kami ng renta namin, sa ilaw, kaya hindi po kami napalayas dahil kay ate Melai,” kuwento pa ni Francine na abot-langit ang pasasalamat sa Kapamilya TV host.


Tatahi-tahimik lang si Melai pero may ganitong charitable act na pala siyang nagawa.


She may not be as rich as Karla or even kay Jolina pero ‘di siya nagdadamot ng tulong sa mga taong nangangailangan.

Loading...

Comments