Maymay Entrata, nag-panic sa mga babaeng walang saplot sa Hong Kong


Kamakailan lang ng magulat si Maymay Entrata nang pumasok siya sa "sauna" sa Hong Kong, kasama ang mga cast ng pelikulang "Hello, Love, Goodbye", na sina Kathryn Bernardo, Lovely Abella, at Kakai Bautista.

Kuwento ni Maymay, kapag may free time sila at allowed si Kathryn na maglakwatsa, kapag light lang daw ang mga eksena na gagawin nito, nagba-bonding talaga sila.


Bawal nga raw kasi na humawak ng cellphone si Kathryn, o maging masaya off camera, dahil halos karamihan daw ng mga eksena ni Kathryn sa Hong Kong ay puro malungkot siya, o pagod na pagod.


Walang idea raw si Maymay kung ano ang "sauna" kaya nung nagpunta sila sa lugar na ‘yon ay naka-sando at shorts siya. Kaya ganun na lang ang pagkataranta niya nung big-lang nagpasukan na ang mga Haponesa na walang mga sapl0t.


Tinakpan daw niya ang mga mata niya dahil hindi niya kinaya na makakita ng mga babae na walang sapl0t. Ang mga kasamahan daw niya ay puro naka-bikin1 naman. Pero siya nga raw ay naka-shorts at sando.



“Hinding-hindi talaga ako maghuhub4d!” natatawang kuwento ni Maymay, na patakip-takip pa ng mga mata habang ikinukuwento kung paano nagpasukan ang mga babae na walang sapl0t.
Loading...

Comments