Luis Manzano, di napagpigilang sumagot sa pinaparatang ng mga netizens sa Angel-Niel engagement





Nagtrending nang husto ang video clip ni Luis Manzano sa kanyang kahinahinalang reaksyon tungkol sa Angel-Niel engagement nang tinanong ito ng isang netizens.

Madaming netizens ang nag-reak sa video at ang iba ay nadismaya sa sagot ng aktor.

Nagdududa din ang mga netizens na umabot na ang trending video ng ex-girlfriend nito na si Angel Locsin nang nagpost ang aktres sa kanyang instagram story na:


"Don’t ruin someone else’s happiness just because you cannot find your own."





Ilang mga netizens ay nakakita sa post at maya-maya ay dinelete na agad ito ng aktres, tila na may ipinapahiwatig itong sagot sa ex-boyfriend na si Luis Manzano.


Hindi napagpigilan ni Luis na sumagot ulit sa trending video dahil madami ng netizens ang nag-bashed sa aktor at sinasabing binoblock daw sila pagkatapos magkumento at mag-reak sa video. At dahil dun, mas dumami pa ang mga bashers laban kay Luis.






“Wala naman akong kinalaman sa kuwentong ‘yan. Wag niya akong idamay sa kuwentong iyan,.“Ni hindi kailangan ng opinion ko diyan o ng pangalan ko diyan. Basta wala akong kinalaman sa kuwentong iyan,” dagdag na sinabi niya.








Si Luis Manzano ay isang Pilipinong artista at endorser na ngayon ay naglilingkod bilang host ng "Minute To Win It." Siya ang anak ng beteranong artista na si Vilma Santos sa dating partner na si Edu Manzano.
Loading...

Comments