Liza Soberano, hindi na raw magagamit nang normal ang na operahang daliri


Kamakailan lang ng maging usap-usapan ang posibleng hindi na mag-function tulad ng dati ang daliri ni Liza Soberano na apat na beses nang inoperahan.

Sa Amerika naganap ang fourth surgery sa finger ni Liza at umaasa siya na tuluyan na itong gumaling para maging normal na uli ang kanyang paggalaw. Sey pa ng dalaga, sana raw ay ito na rin ang kanyang last operation.


Pero ibinalita ng girlfriend ni Enrique Gil na maaaring hindi na ito mag-function tulad ng dati. Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Liza ang ilang litrato habang nilalagyan ng bakal ang kanyang daliri.

Ayon sa kanyang caption:

 “Caution graphic content. Finally done with my last procedure in hopes of fixing my finger."

“Unfortunately it will never function the same way again but at least its there! Sorry for sharing such gruesome photos.”


Kung matatandaan, na-fracture ang daliri ni Liza noong 2018 habang kinukunan ang maaaksyong eksena niya sa teleseryeng Bagani ng ABS-CBN. At dahil din dito kaya nagdesisyon siyang mag-resign sa pelikulang “Darna”.

Loading...

Comments