Lea Salonga, pinakilig ang 'Weightlifting Fairy' star na si Lee Sung-kyung sa viral video nito




Pinakilig ni Lea Salonga ang "Weightlifting Fairy" star na si Lee ung-kyung nang ipinost ni Lea ang video ng korean star na kumakanta ng "A Whole New World " habang nagdrive ito sa kanyang sasakyan.


Hindi mo akalain na ang isang sikat na Korean star na pinag-aabangan ng mga netizens ay isa din palang fan ng ating mahal na Filipino singer.


Humanga si Lea Salonga sa boses ng korean star at ishinare niya ito sa kanyang Instagram account na may caption:

"This is so adorable! Isn't she a Disney Princess?”

Napansin agad ito ng korean star at napakilig ito sa kumento ng aktres:

"I am so thankful and honored, Lea! I've been practicing listening to you! You are inspirational, and I love you so much."




Madaming netizens ang nakapnsin sa conversation ng dalawa at agad ito nag-viral.






Si Lea Salonga ay nakilala sa kanyang mga kontribusyon sa larangan ng musika. At pagbibigay ng mga karangalan sa ating bansa. Naging matagunpay siyang mang-aawit hindi lang sa ating bansa kundi maging sa ibang bansa.  Siya ay kumanta sa dalawang sikat na Disney movie na pinamagatang " Alladin" at "Mulan".





Si Lee Sung-kyung ay isang sikat na Korean actress at model na sumikat sa kanyang Korean drama na "Weightlifting Fairy Kim Bok Joo".



Comments