KC Concepcion, hinangan ng netizens dahil sa sosyal daw na pagresbak sa epal na netizen


Kamakailan lang ng hangaan ng netizens ang class at edukadang pagresbak ni KC Concepcion sa mga netizen na hinahanash ang ayon sa netizens ay tumataba siya sa social media.

Ilang epal kasi ang nanglait sa katawan ni KC nang mag-post siya ng photo sa Instagram suot ang kanyang OOTD na isang shoulder-baring dress.

Caption ng dalaga:

“Oh hi loves have a beautiful Sunday!”


Sa comments section, isang netizen ang nagsabing:

“Ang tab4 na ni KC!”  

Na sinagot naman ng anak ni Megastar Sharon Cuneta ng:

 “Hi dear, pag pumayat ako will you cheer for me or bash mo pa rin ako?”



Kinontra naman ng isang Instagram follower ni KC ang pag-puna ng epal sa dalaga. Tila nabawasan naman daw ang timbang nito kumpara nitong mga nakaraang buwan.


“What did you do para pumayat ka ulit? Ang bilis,” tanong ng netizen sa TV host-actress.
Tugon ni KC sa kanya, “No rice. I just eat Adlai during the day and fish / chicken, and I walk for 30 mins each day.”


Nagpasalamat din siya sa lahat ng netizens na nag-post ng mga positive comments sa kanyang Instagram photo,

“Thank you, what you give you will get (hearts emoji) I wish the same for you!!!”

Loading...

Comments