Kathryn Bernardo, nag-walkout dahil nagalit nang husto kay Direk Cathy


Kamakailan lang ng maging usapan na bata pa lang daw si Alden Richards ay tagahanga na siya ng mga pelikula na ginawa ni Direk Cathy Garcia Molina, gaya ng One More Chance nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Ni sa panaginip daw ay hindi niya i­naasahan na makakatrabaho niya ang award winning at blockbuster director. Lalo na at nasa GMA Network pa siya, pero ito nga at nabigyan siya ng chance na makatrabaho ito sa "Hello, Love, Goodbye" with Kathryn Bernardo.


Maganda raw ang naging rapport nila ni Kathryn at nakita niya ang passion ng aktres na sobrang dedicated sa kanyang propesyon. Ayon pa kay Alden ay nagkaroon siya ng true at close friends sa pelikulang ito at nagkuwento pa ng masasayang mga moment habang ginagawa ang pelikula sa Hong Kong.


Gaya ng iba ay puring-puri rin si Alden ng mga Kapamilya star dahil sa kabaitan nito walang wall sa pagitan nila.


Malaking p­agsubok din daw kay Kathryn ang proyektong ito na kinailangan niya na la-ging malungkot na naayon sa mga eksenang pinaggagawa sa kanya.

Hindi siya puwedeng makipagtawanan sa mga kapwa artista at crew ng production.


Inalis sa kanya ang cellphone at hindi puwedeng gamitin ito until matapos niya lahat ang mga malungkot na eksenang pinaggagawa sa kanya ng director.


Maski si Daniel Padilla na dumalaw sa set ay kinailangan itago at hindi puwedeng makita ni Kath until matapos ang mga eksena. One day ahead kasi si Daniel nang dumating at kailangan itago siya ni Direk Cathy.


Inamin nga ni Kathryn na nagalit talaga siya kay Direk Cathy. At tanggap naman ‘yon ng director, pero ang hindi lang daw niya matatanggap ay ang mag-walk out ito sa kanya.

Loading...

Comments

  1. It's just say na hindi ganon kagaling na actress si Kath... Dahil kung talagang magaling sya sana nahandle nya ang lahat nang ipapagawa ayon sa role nya... Bakit kailangan pa ni derect na limitahan ang pag labas at pakikipaghalubilo nya... Bakit kailangan pa iparamdam saknya ang kalungkutan para magampanan ang character nya?? Hindi kaya dahil alam nang derektor na hnd to magagampanan ni kath kung hnd nya ito ipaparanas sa actres??? Just #memeLang

    ReplyDelete
  2. Posible di nya masyadong naipapakita sa pag arte ang malungkot na disposisyon kasi baka wala syang mapaghuhugutan ng malungkot na emosyon o karanasan, kaya siguro nagawa ni Direk ang ganon sa kanya...naalala ko nung high school ako, sumali ako ng theater group sa school, pina-acting ako ng director na kunyari dumaan ang crush ko...ano daw gagawin ko o magiging reaction ko...sadly wala akong crush, di ako nakarelate sa pinapagawa ng director...pinagalitan ako...kaya ginawa nya, trinansfer ako sa chorus group kung saan kakanta at sasayaw lang at sa likod lang ako hahaha!! :))

    ReplyDelete

Post a Comment