Jodi Sta Maria, may hiningi daw kondisyon kay Jolo Revilla kaya biglang naghiwalay


Kamakailan lang ng maging usap-usapn sina Jodi Sta Maria at Jolo Revilla na kung saan, kaya raw nagkahiwalay ang dalawa dahil daw sa paghingi ng kondisyon ni Jodi kay Jolo.

May usap-usapan na nga ring kasalan bago matapos ang taon sa pagitan nina Vice-Governor Jolo Revilla at Angelica Alita. Naghanap na sila ng lugar sa Amerika kung saan nila gustong mabasbasan ang kanilang pagmamahalan.


Nalulungkot naman ang mga kababayan nating umasa na ang hahantong sa altar para pakasalan ng aktor-pulitiko ay si Jodi Sta. Maria.


Wala nga namang garantiya ang haba ng panahon ng isang relasyon para masabing sila na talaga ang magkakatuluyan, may nagaganap pa ring aberya sa pagtakbo ng panahon.


Isang paningit na kuwento lang. May kaibigan kaming nakipagrelasyon nang labingdalawang taon sa kanyang boyfriend. Sa ikalabingtatlong taon nila ay saka nila naisipang magpakasal na.


Pero sa ikatlong buwan pa lang daw ng kanilang pagsasama ay nagkahiwalay rin sila, tatlong buwan lang ‘yun, kumpara sa mahigit na isang dekada nilang pagiging magkarelasyon nang walang basbas ng simbahan.


Mahirap ipaliwanag ang mga ganu’ng senaryo pero nangyayari. Sa isang pagkakataong akala natin ay maayos na ang lahat-lahat ay hindi pa pala, sa hiwalayan pa rin ‘yun nauuwi.


Makahulugan ang naging pahayag ni VG Jolo na nagpapasalamat siya kay Angelica dahil minahal siya nito nang walang kundisyon. Marami tuloy ang nag-isip, ano kaya ang naging dahilan talaga ng paghihiwalay nila ni Jodi, kaya tanong ng netizens kung may kundisyon kayang hiningi sa kanya ang aktres?


Loading...

Comments