Jake Cuenca, iniligtas sa kapahamakan si Kylie kaya raw inlove na inlove si Kylie ngayon kay Jake


Walang ka duda-dudang sumasayaw sa hangin ang puso ni Kylie Verzosa sa pag-ibig sa kanyang kasintahan at co-actor sa seryeng “Los Bastardos”. Hindi napigilan ng beauty queen turned actress ang kanyang nararamdamang pag-ibig kay Jake, at nag-shout out talaga siya nang nilalaman ng kanyang puso.


Sa post ni Kylie ng larawan nila ni Jake na mula sa Mega Magazine, nilagyan niya ito ng caption na naglalaman ng mga rason kung bakit niya minahal nang husto ang aktor.


Ayon sa mensahe, pinaliligaya siya ni Jake araw-araw. Na si Jake raw ang dahilan kung bakit tuloy-tuloy sa kanyang goal sa buhay.


Medyo intriguing lang nang sabihin ni Kylie na “who’s saved me” dahil hindi niya nilinaw kung ano ang pinanggalingan noon.


Mababasa naman sa comment ni Jake na nakumpleto ang araw niya dahil sa mga sinabi ni Kylie.

“Wwwwwww I love You too. This just made my day,” sabi pa ni Jake.

Ito ang kabuuan ng mensahe ni Kylie:

“Dearest Jake, you make me happy. You make me want to be at my best everyday, you are the person that keeps me going. To person who’s saved me, who makes me happy, my favorite person in the world, my heart. I am the happiest with you, I love you @juancarloscuenca.”
Loading...
Siyempre, kiniliga ng mga fan nila.

Comments