Isko Moreno, nilagdaan na ang 50% tuition discount ng mga Manilenyo sa EAC


Nilagdaan na kahapon ni Manila Mayor Fancisco "Isko Moreno" Domagoso ang isang memorandum sa pagitan ng Emilio Agui­naldo College (EAC) para sa pagkakaloob ng 50% tui­tion discount para sa mga irerekomendang scholar sa alinmang kurso.

Sa ilalim ng memo­randum, 12 residente sa kada barangay ang maaaring makapag-apply ng scholarship at kinakailangan na rekomendado ng Manila Liga ng mga Barangay.


Sumaksi sa ginawang memorandum signing sina Mayor Domagoso, Vice Mayor Honey Lacuna, City Councilor Princess Abante, at mga opis­yal ng Manila Liga ng mga Barangay.


Gayundin sina EAC president Dr. Jose Paulo Campos, EAC marketing chief Robin Reyes, EAC student affairs head Estefanio Boquiron, at EAC vice president for administration Dr. Lorenzo Lorenzo.


Sinabi ni Lei Lacuna, president ng Manila Liga ng mga Barangay, layunin ng natu­rang memorandum na mabigyan ng scholarship program ang mga karapat-dapat na estud­yante sa pamamagitan ng kanilang tanggapan,


Nabatid kay Sixth District Councilor Princess Abante, kuwalipikado ang mga estud­yante kapag first time enrollee sila sa EAC at kinakaila­ngan na ipasa nila ang entrance kung sila ay freshmen.


“Qualifiers for the scholarship may apply for any course or prog­ram at EAC except medicine programs,” ayon kay Abante, na chairman sa Committee on Education and Sports sa Manila City Council. (Juliet de ­Loza-Cudia)

Loading...

Comments

Post a Comment