Interview ni Luis Manzano tungkol sa engagement ni Angel Locsin, pinag-uusapan sa social media





Si Luis Manzano kamakailan lang ay ininterview ito at ipinost ang video clip sa isang twitter account.

Naging viral ang kanyang opinyon tungkol sa engagement ni Angel Locsin at ang fiancee nito na si Niel Arce.

Madaming netizens ang nag react sa kanyang viral video at madaming hindi natuwa sa sinagot nito.


Sa isang post ng netizen ay ipinakita ang video ng aktor kasabay caption nito:


"Ghad inaano ka ba ni Angel that “wag NIYA ko idamay sa kwento niya” Sorry pero hindi ka po nakakatuwa sa part na yan kuya @luckymanzano" 


Napansin ito kaagad ni Luis Manzano at ni-retweet ang viral video nito sa kanyang twitter account sabay sagot sa isang nag-react na netizen.

Twitter






"Uulitin ko lang, one for the road, last na ;) i meant “wag niyo na” baka mabilis pagkakasabi ko kaya ganun labas ;) ang love story nila ay kanila ;) di na kelangan ng opinyon namin." 


Ipinahayag ni Luis sa netizen na hindi niya sinabi ang "wag na niya" ( para kay Angel Locsin) kundi ay "wag nyo na" (para sa kanyang viewers).


Ayaw na daw ni Luis Manzano na makialam sa buhay ng ex-girlfriend nito at masaya na ito sa kanyang kinakasama ngayon.





Ilan sa mga netizens ay hindi na convince sa pahayag niya at patuloy parin nag react sa video:



"Hahaha!!! Ayan na para fair sayo, kaso mabilis man o mabagal iisa pa din talaga kinalabasan ng sinabi mo." 

"At dka nman nya dinamay sa love story nla.. Cno kba pra idamay ni gel? Isa ka lang nman PAST na di deserving at kailangan ng kalimutan.. Ikw jan ung dawit ng dawit sa name nya.. Yang jowa mo na gaya gaya sa gngwa ni angel. Aysusss blocked pa! Hahaha" 


"Sometimes, it is actually not about what you say but the way you say it." 

"Talaga lang ulitin mo kaya video mo para marinig mo sinasabi mo d ka inaano ni Gel reporter nagtanong sayo denial ka pa at sino ka namn para idawit ka d ba tapos na nga kayo at naka move on na siya"

"My gosssh! Kala ko nman matalino ka? Kung dika bitter pwes wag ka mam block ng accnt hahaha... Mpapagod klng, mdmi kaung bashers dhil smga ksalanan nyo nakataga na yan sa isip ng tao dmo un maiaalis sknla.. Get get awww!  "

"Kailan pa naging "Niya" ang Niyo? "

Ayun sa mga netizens na nag react sa kanyang viral video ay binlock daw sila sa aktor nang nagkumento sila, kaya mas lalong dumami ang mga nagreact pa at hindi naconvience sa explanations ni Luis.


Si Luis Philippe Santos Manzano ay ipinanganak noong Abril 21, 1981), kilala rin sa kanyang palayaw na Lucky, ay isang Filipino TV host, VJ, model at aktor. Siya ang anak ng mga award-winning na aktor, Edu Manzano at Vilma Santos. Naging kasintahan ng aktor si Angel Locsin noong 2007 pero on and off ang relationship nito hanggan nagkahiwalay sila noong 2016.
Loading...

Comments