Ex-girlfriend ni Derek na si Joanne Villablanca nagparinig ng mga cheating posts sa social media.







Nagkahiwalay ang magkasintahan na si Derek Ramsay at girlfriend nitong si Joanne Villablanca pagkatapos ng kanilang pagsasama ng anim na taon.

Dalawang araw matapos ang kompirmasyong wala na sila ay napansin ng mga netizens ang mga posts ng ex-girlfriend ni Derek sa kanyang Facebook profile.

photo via: pep.ph




Nakita din na nagreak si Joanne sa isang site kung saan may isang nagshare na may couple din na nagkahiwalay dahil sa third party. Sa mga sinasabi niya ay tila nagpapahiwatig ang ex-girlfriend na nakarelate ito.

Dumepensa naman si Derek na wala daw third party na nangyari, nang nalinked ang aktor sa katrabaho nitong si Andrea Torres, leading lady sa kanilang show na "Better Woman".



“It’s unfair for her because she has nothing to do with the issue. It was my relationship. All the questions should be directed to me.” depensa ng aktor.



Inamin ng 42-year-old kapuso aktor na hindi sya masaya sa naging resulta ng kanyang love life dahil sa tagal na nilang magkarelasyon ay na-attached na daw ito sa pamilya ng kanyang ex-girlfriend at anak nito na si Sophie.


“My relationships lasted for five, six years. Do you think it’s easy to let go of that?” 


Walang partikular na dahilan na sinabi si Derek, maliban sa pag-aming pareho sila ni Joanne na may pagkukulang sa isa't isa. 

Comments