Binatilyo, walang pahinga sa kakalaro ng Mobile Legends, isinugod sa ospital.





Viral ngayon sa social media ang isang binatilyo na parating naglalaro daw ng ML o Mobile Legends ang nadala sa ospital dahil wala ng pahinga ito o nag oovertime sa kakalaro.


Ang Mobile Legends ay isang sikat na online mobile game na kinalilibangan at nilalaro kahit mga bata ngayon at matatanda. Dahil sa mga karakter at mga skills nga mga heroes at real time 5vs5 pa ito, ibig sabihin ay naglalaro ka at ang mga kalaro mo ay ang mga tao mismo, pwede makipag chat,at iba pa. Nang dahil dito marami ang naaaliw at ang iba naman ay nasobraan sa pagka-aliw na naaapektuhan na ang kanilang pag-aaral lalo't-lalo na sa mga studyante.


Isa na dito ay ang bata na si Earl Villota, isang taekwando player na sobrang aliw sa kakalaro ng mobile legends ay hindi na kumakain ng maayos at naapektuhan pa ang kanyang pag-aaral. Nagreklamo din daw ang kanyang coach na ang dali niya din daw mapagod. Pero sabi ng netizen na nagupload ng photo na si Joel Villota ay walang kapagod pagod ang binatilyo kapag mobile legends na ang kaharap sa phone.








Sa panahon ngayon na halos lahat ng mga kabataan kahit gradeschool pa lang ay may mga sariling mobile phones na ito ay dapat binibigyang pansin ito at lilimitahan ang sobrang pag-gamit nito ( hanggang dalawang oras lamang sa isang araw) o no phones kapag may darating na exam.



Paalala sa lahat na ang online games ay ginawa ng mga developers upang magbigay aliw ng mga tao as hobby o diversional activities lamang at hindi dapat ipaapekto sa araw-araw o routine ng isang tao. Kapag ito ay nakakaapekto na sa pag-aaral o sa pakikipag-halobilo sa ibang tao o socialization ay tinatawag na nito ang pagkakaadik sa isang laro.


Sa mga mahilig maglaro tulad ng mobile legends o kahit ano pang sikat na laro sa online ay sana huwag masyadong bigyan ng oras dahil kailangan din magpahinga at magrecharge ang ating katawan lalo na ang ating mga mata. Matutong limitahan ang mga bagay na hindi makakatulong sa iyong pag-aaral at kinabukasan. Ang online games ay sadyang ginawa para pampalipas oras lamang.


Comments