Arci Muñoz may hindi makalimutan kaya halos laging umiiyak


Kamakailan lang ng mapag-usapan si Arci Muñoz nang alalahanin niya ang kanyang late dad sa guesting niya kahapon ng umaga sa Magandang Buhay.

Talagang bumuhos ang luha ng aktres while she was talking about her dad, “Gusto ko lang walang magbago even now that he’s gone. Gusto ko walang magbabago sa family. Gusto ko strong pa rin kami all together.”


Ang tatay niya na si Ramon Muñoz died noong 2016, “Three years na but ‘yung feeling po talaga, hindi nawawala. Every week ako nagsisimba sa columbarium kung nasaan siya. Every week, pinupuntahan ko siya. Pero every week pa rin ako umiiyak.”


Dagdag niya, “Alam mo ‘yon? Sabi ko, bakit ganun pa rin? Kahit every day… hindi pa rin nawawala talaga (ang pain). Everything, lalo na ‘yung luto niya, lahat-lahat. Kasi kung ano ako ngayon, he’s a really huge part of that. Talagang I miss him every single day.”


Ayon pa sa kay Arci, talagang kumapit siya sa kanyang faith para matanggap ang nangyari sa ama, “‘Yung very strong spiritual relationship ko with God, that keeps me very strong, na mag-continue also to do what I love.


“Kasi there was a time na sabi ko, kapag nawala si Papa, ayaw ko na talaga. Kaya nga ayaw kong tumanda, ayaw kong umabot sa age na…gusto ko mauuna ako. It’s so hard,” ang umiiyak pang sabi ni Arci.


Loading...

Comments