Angelica Panganiban tinanggihan ang request ng isang fan na magpapicture sa kanya, pinag-uusapan sa social media






Isang fan ang nakasalubong ni Angelica Panganiban sa airport na nagrequest umano magpapicture sa idolo pero di pumayag ang aktres.


Pinag-uusapan sa social media ang naturang insidente nang nagkumento ang mismong fan nito sa nangyari sa instagram posts ni Angelica Panganiban.

“Sana ate angge pinagbigyan mo ‘ko magpapic sa airport @iamangelicap,” kumento ng nagrequest na fan.






Sumagot naman ang aktres sa kanyang rason kung bakit umayaw ito sa request ng isang netizen.

“Sorry, I wasn’t working that time. I hope you understand and respect my privacy. I love hugs tho,” paliwanag ng aktres.


Isa namang netizen ang dumepensa kay Angelica Panganiban na tila naiintindiha ito sa rason ng aktres at sabi:

“Naiintindihan ko kung ayaw ng mga artista magpa photo op sa public places kase nga hindi nila oras ng trabaho,”






Si Angelica Charlson ay ipinanganak noong Nobyembre 4, 1986, at kilala bilang Angelica Panganiban, ay isang Pilipinong artista, modelo at komedyante.


Sinimulan ni Panganiban ang kanyang karera sa edad na 6 nang lumabas siya sa palabas sa TV, Love Note.  Ang kanyang unang regular na palabas ay ang 90's ng youth-oriented variety show, Ang TV sa ABS-CBN. Ginawa niya ang kanyang unang papel ng pelikula, sa Carlo J. Caparas 'Antipolo Massacre.  Nag-star din siya sa mga pelikula tulad ng Separada, Sarah ... Ang Munting Prinsesa, Ama, Ina, Anak at nakamit ang mga parangal ng Best Child Actress at nominasyon sa FAMAS Awards at PMPC Star Awards.

Comments