Andrea Torres, may sariling buhay daw ang hinaharap kaya't tuks0 ito sa mga lalaking co-artist niya


Kamakailan lang ng ma-interview si Andrea Torres na kung saan matinding paghahanda nga raw ang ginawa niya sa “The Better Woman” dahil gusto niya raw ma-achieve ang kaseksihan na hinahanap sa kanya ng mga kalalakihan. Puspusan daw ang ginawa niyang pagpapapayat.

Sabi ng actress:

“Nag-gym talaga ako. Kasi siyempre, ‘yung leading man ko, super active, tapos maintain talaga siya.

“Eh ako, kapag may pinaghahandaan, sige, pero ‘pag wala, go. Eh dito sa soap na ‘to, six months na ‘kong diet, gym talaga. ‘Yung anytime, ready ka talaga.

“Tapos may pole dancing. Masakit siya! Alam ko naman na mahirap, pero grabe ang laki ng respeto ko sa mga nagpo-pole dan-cing. Kasi ‘yung pasa, grabe.

‘Yung pinagdadaanan para magawa mo ‘yung stunt na ‘yun, grabe,” 


Kitang-kita nga raw ang pagiging game ni Andrea kahit sa anong scene, pero aminado itong matindi rin daw ang kabang inaabot niya lalo na sa mga unang eksena nilang ginawa ni Derek Ramsay na talagang intimate at daring.


“Siyempre kinakabahan ako, like ‘yung mga scenes na super sexy, dahil hindi ko pa siya nagagawa kasi.

“Iniiwasan ko siya for the longest time, pero na-convince ako kasi sabi ko, ang ganda-ganda. Very challenging bilang isang artista at bilang audience, parang every episode, exciting.”




Loading...

Comments