Andrea, napatiran daw ng litid sa shooting


Naaksidente si Andrea del Rosario sa set ng isang Viva show under Cignal Cable. Sa eksena raw, tumatakbo si Andrea kasama sina Katya Santos, Maui Taylor at Jeric Raval.

“Biglang napahinto si Andrea sa eksenang tumatakbo sila. Parang may lumagatok daw sa paa niya. Natakot siya, pero may mga medic naman sa set, kaya nabigyan siya ng first aid at saka dinala sa hospital,” sabi ng isang nasa set.


Pinag-stay raw overnight sa hospital si Andrea para maobserbahan. At kahapon nga raw ay ok na si Andrea at na-MRI at X-ray na rin siya.


“Parang may napatid na litid kay Andrea, kaya kahit magre-resume na siya ng taping bukas (today), bawal na sa kanya na tumakbo o kahit magsayaw.

“Pinagbawalan din siyang mag-gym,” sabi pa ng kausap ko.


Dahil sa nangyaring insidente sa yumaong veteran actor na si Eddie Garcia sa set ng isang show ng GMA 7, naging mandatory na sa mga taping at mga shooting na may ambulance na naka-standby para kung magkakaroon ng aksidente ay may nakahandang mga medic na magbibigay ng first aid.


Pero may ibang mga taping at mga shooting naman daw na noon pa man ay may naka-ready na na ambulance at medics.
Loading...

Comments