Alex Gonzaga, pinalabas sa bahay ni kuya dahil sa kanyang ginawa





Nagtrending ngayon ang video ni Alex Gonzaga nang ipinost niya sa kanyang vlog ang kanyang latest video na pinamagatang "Exclusive Tour" sa loob ng Bahay ni Kuya.


At habang nagtotour ito ay makikita na nilapitan sya ng isang PBB staff at pinaalis sa bahay ni kuya dahil nakapaglabag umano ito ng patakaran sa PBB Bahay ni Kuya. Nakita din na sinabihan siya ng isang staff na tanggalin ang mga video clips na nakikita ang mga ibang detalye sa loob mismo ng bahay ni kuya.










“Alex, tumawag yung taga-PBB, burahin mo raw lahat nung pinag-shushoot mo sa loob, pagagalitan tayo,” at sumagot agad si Alex at sinabi “Hoy! Wala naman ako na-shoot ha!” 








Si Alex Gonzaga ay isang artista,modelo, author at vlogger. Siya ay ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga na isang host ng Pinoy Big Brother.

Comments