Alden Richards, ibinahagi ang ugali ni Daniel Padilla sa likod ng camera





Naging mahiyain sa unang pagkakataong nagkita si Alden Richards at ang boyfriend ni Kathryn Bernardo sa set na si Daniel Padilla.


Umamin ang aktor na medyo nahihiya daw sya kay Daniel Padilla una silang nagkakita.


Si Alden Richards at ang girlfriend ni DJ na si Kathryn Bernardo ay magkasamo bilang lead cast sa kanilang new movie na "Hello, Love, Goodbye".


Ibinahagi ni Alden Richards sa unang pagkakataon ang ugali ng aktor na si DJ sa likod ng camera noong bumisita umano ang aktor sa girlfriend nito.





Sa unang pagkikita daw nila ay hindi sila nakapag-usap dahil pareho sila na nag-alinlangan magkausap dahil hindi pa sila nagkakilala.


Pero inamin din ng kapuso aktor na binisata umano sya ni DJ at nagkausap tungkol sa kanilang trabaho at iba pa.



“The first time we met personally na nag-usap kami was yung pumunta po si Daniel sa tent. Nagkita po kami sa Hong Kong pero nagkahiyaan po kami. Mabait po si Daniel. Talagang nag-congratulate siya at nagpasalamat po siya na inalagaan ko rin si Kathryn.”


Si Alden Richards ay isang kapuso aktor na sumikat sa kanilang loveteam ni Maine Mendoza at tinaguriang "ALDUB" at natapos ang kanilang loveteam noong inamin ni Maine Mendoza na in a relationship na ito sa Kapamilya aktor na si Arjo Atayde.

Comments