Daniel Padilla, nagsalita tungkol sa mga larawan nila Alden at Kathryn na magkayakap


Kamakailan lang ng mabalitang ayaw na raw sanang tapusin ni Kathryn Bernardo ang first movie nila ni Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye” na kinunan pa sa Hong Kong.

Matinding hirap at sakripisyo raw talaga ang ginawa ni Kathryn para lang sa nasabing pelikula na idinirek ni Cathy Garcia Molina.


“Gusto ko nang magpa-book ng ticket kasi ayoko nang tapusin ang movie kasi hirap na hirap na ako,” lahad ni Kathryn sa presscon ng “Hello, Love, Goodbye.”


Pinagbawalan kasi si Kathryn ni Direk Cathy na makipagtsikahan sa buong cast ng movie noong nasa Hong Kong sila, at maging ang mga staff and crew ay bawal siyang kausapin. Kaya feeling niya, mapapraning na siya.


Kakausapin lang daw si Kathryn ng staff kapag may ipinasasabi sa kanya si Direk. Gusto kasi ni Direk Cathy na maramdaman nang todo-todo ang sobrang kalungkutan at sakit na pinagdadaan ng karakter ni Kathryn sa movie na si Joy.


Kaso pati raw ang boyfriend ni Kathryn na si Daniel Padilla ay nakikita kung ano ang nangyayari sa kanya. Kaya hindi rin nakakatulog si Daniel habang nasa Pilipinas.


“Sinabi na lang namin na mag-update kapag nasa shoot. E, na-confiscate din ‘yung phone ko. So, my God! Paano na ako mag-a-update? Lalo na kapag mabigat ang scenes ko, madalas bawal akong lumabas kaya hindi ako nakakapag-update sa kanya,” kwento pa ng aktres.



Full support na raw ang ibinibigay ni Daniel sa proyekto ni Kathryn especially nung na-meet na nito si Alden, “So, ang naging challenge lang sa amin kung ganoon katagal maghiwalay, ay talagang super hirap. Kaya, hayun, all-out siya, supportive siya rito sa movie,” aniya pa.


“Ganu’n po talaga kapag instant. Mabait po si Daniel at talagang nag-congra-tulate siya amin, at nagpasalamat din siya na inalagaan ko si Kathryn. So, parang ang gaan lang po ng pelikula dahil wala kaming nasagasaan kahit sinong tao,” aniya pa.


Loading...

Comments