Willie Revillame, ininsulto raw ang mga taga Pasay, sinabing wag na bigyan ng 10k dahil na sa gilid-gilid lang naman daw ang mga ito


Nitong June 4, Martes dismayado ang may 40 na barangay sa Pasay City na first time makatapak sa studio ng Wowowin sa GMA.

Gayang ng ibang grupo na nagtungo rin sa Wowowin, umasa ang mga residenteng ito na kahit paano’y hindi sila uuwing luhaan, masulit man lang ang pag-gayak nila ng alas diyes ng umaga gayong alas singko pa naman ng hapon ang simula nito.


Ang nasabing grupo, four members of which ay masu-werteng nakapaglaro sa putukan ng lobo. Ang apat na grupo ay magkakaroon ng P10,000 na siyempre’y hindi na nila biniyak-biyak sa 36 other members sa pag-asang pagkatapos ng show ay may ipamimigay na tigsasampung libong piso si Willie Revillame.


Pero ayon sa mga kababatang kapitbahay, hindi ‘yun ang nangyari. Delegates from Pasay City were deliberately edged out sa bigayan ng P10k.

Bale ba, dinig na dinig daw nilang lahat ang off-mic na sinabi ni Willie na, “Naku, mga taga-Pasay lang ‘yan, mga nasa gilid-gilid lang


Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ni Willie, baka nga may maganda at acceptable explanation siya about it.

Comments