Tindera sa isang sikat na donut store, ginawang patungan ng kanyang paa ang lalagyan ng mga donut, netizens dismayado

Photo from: Tangub Confessions
Ilang oras pa lang ang nakakalipas matapos i-post sa social media ang nakakadiring mga larawan ng isang babae na kung saan makikitang halos dumikit na sa kanyang paa ang mga donut na kanyang binebenta.

Agad itong nag-viral sa social dahil sa nakakadiring sistema ng tindera, na kung saan kinuhanan kaagad ng larawan ng isang netizen.

Photo from: Tangub Confessions
Umani ito ng samu't-saring reaksyon ng netizens dahil sa ginawa ng babae na gawing tung-tungan ng paa niya ang lalagyan mismo ng stocks ng mga donuts.

Photo from: Tangub Confessions
Ipinost ito ng netizen hindi upang ipahiya ang tindera, kundi para maging alerto rin tayo sa ating mga binibiling pagkain.

Photo from: Tangub Confessions
Ma pa-branded man o hindi, dahil alam naman natin na 'di lang tayo ang mahihilig dito kundi pati na rin ang ating mga anak o mga kamag-anak na bata na talaga namang mabilis dapuan ng mga sakit lalo na kung marumi ang kanilang nakakain o makakain.

Comments