Rider, pinuri ng mga netizens sa pagtulong sa lalaking nakita lang niya sa daan.





Isang rider ang pinuri ng mga netizens nang nagviral ang photo nito na tumulong sa isang lalaki na tila nawalan ng gasulina at naglalakad lang ito habang dala ang motorsiklo sa daan.


Ayon sa rider, nakita daw niya ang lalaki na naglalakad dala-dala ang kanyang motorsiklo at nang nalaman niya na wala itong pera pang gasulina ay hindi nagdalawang isip ang rider na tulungan ito. Dinala ng rider ang lalaki sa malapit na gasoline station at siya mismo ang nagbayad para pampagasolina nito dahil ayon sa lalaki ay wala pa itong sahod at galing padaw ito sa trabaho.


Naawa ang rider sa lalaki kahit hindi pa niya ito kilala, at sa kagandahang loob ng rider ay nagviral kaagad ang kanyang photo sa social media at pinuri agad sya ng mga netizens sa pagiging mapagbigay at pagiging matulungin sa kapwa tao.




Binigyan ang lalaki ng pera hindi lang sa pang gasolina, kundi para may mauwi ito para sa kanyang pamilya.




Napakabait po ng rider at kung sino ka man po ay saludo lahat ng mga netizens sayo. Sana ay makilala ka namin upang mapasalamatan sa kabaitan at busilak na kalooban na ipinakita mo sa ibang tao.


Nang dahil sa kabutihang-loob na ipinakita sa rider ay binigyan ng pag-asa ang bawat isa na may mga mabubuti pang tao sa mundo at sana magiging ehemplo sa mga kabataan ang pagiging matulungin sa kapwa.



Comments