Partner ni Eddie Garcia, nadismaya sa GMA sa hindi pagiging maingat sa nangyari sa aktor





Comatose ngayon ang sikat na aktor na si Eddie Garcia pagkatapos naaksidente ito habang nagsho-shooting sa isang darating na palabas ng GMA-7 teleserye.

Sinabi ni Lilibeth na kung tiningnan daw muna ng mabuti ng mga staff sa GMA ang mga possible precautions sa shooting ay hindi raw sana ito mangyayari.

Si Eddie Garcia ay nagka fracture sa leeg matapos mapatid umano ang paa sa isang kable habang nagte-taping.






Ipinahayag ng kanyang partner na si Lilibeth na nainjured daw ang spinal cord ng aktor pagkatapos mapatid ang paa sa cable wire.


“I learned that when he stumbled on a cable wire and hit his head on the pavement, he broke his spinal cord. It was the ‘freakest’ of accidents that could have been prevented." sabi ni Lilibeth.




Ipinahayag din niya na nangyari ang aksidente sa ika tatlong taping ng scene sa ibang anggulo, kung chineck lang nila ang mga wires sa oras na iyon ay malabo daw sana ito mangyari sa aktor.

Nasa kritikal parin sa condisyon si Eddie Garcia at patuloy parin ito nagpapagamot sa hospital.

Comments