Parrot na sumigaw na, 'mama, police!' para timbrihan daw ang amo na drug suspect, kasamang 'hinuli' sa drug raid sa Brazil


Sa presinto ang bagsak ng isang parrot kasama ang kaniyang amo na drug suspect matapos silang mahuli sa isinagawang drug raid ng mga awtoridad sa Brazil.

Ayon sa ulat ng The Guardian,  sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ng pinaghihinalaang tulak ng droga na si  Vila Irmã Dulce.


Pero nang makita umano ng parrot ang paparating na mga pulis, sumigaw umano ang ibon ng "Mama, police!" [sa wikang Portuguese].


Hinala ng mga awtoridad, maaari umanong sinanay ng suspek ang parrot.

Gayunman, hindi pa rin nakatakas ang suspek at dinala sa presinto kasama ang kaniyang parrot.

Pero sa himpilan ng pulis, naging tahimik lang umano ang ibon.


Sa isang video sa Youtube ng Programas Meio Norte, makikita ang parrot habang nasa kostudiya ng pulisya.

Ililipat sa isang zoo ang pangangalaga sa parrot na binansagang ng mga mamamahyag sa Brazin na “drug-trafficking parrot.”


Comments