Park Bo Gum, nagbabala sa pagkakadamay niya sa isyu ng SongSong couple divorce




Kamakailan lang ay kumalat ang balita na ang sikat na south korean actors na si Song Joong-ki at Song Hye-kyo ay nagkahiwalay at nagfile na ng divorce para matapos ang kanilang marriage. Ang mga pinoy netizens at kahit sa mga fans ng SongSong couple sa iba't ibang panig ng mundo ay nasuprisa sa balita at di nila inakala na mangyayari ito sa dalawa.

Kumalat din sa balita ang pagkakadamay ni Park Bo Gum sa pagkakahiwalay ng mag-asawa dahil din ito sa upcoming movie drama nila ni Song Hye Kyo na pinamagatang "Encounter".




Sa isang statement ng Agency ni Park Bo Gum sinabi nito:

"Park Bo-gum, who recently starred in the drama with Song Hye-kyo, is unexpectedly mentioned in the rumor. It is offensive that Park’s name is mentioned in the divorce. Rumors about Park Bo-gum and Song Hye-kyo are absolutely not true."





Ipinagbabala ni Park Bo Gum at ang agency nito na gagawan ng legal na aksyon kung sino man ang nagsimula at nagkalat sa isyu na ito.




Ipinahayag ng agency ni Song Hye Kyo na ang rason sa kanilang desisyon na paghihiwalay ay dahil daw umano sa "difference in personality".


Song Joong-ki at Song Hye-kyo ay unang nagkasama sa isang top rating korean drama na " Descendants of the Sun" kung saan sila ay naging real life couple at nagpakasal noon October 2017.

Comments