Pagbabanta ni Jake Cuenca kay Fumiya Sankai, umani ng iba't-ibang reaksyon ng netizens


Kamakailan lang ng maging guest si Jake Cuenca sa Tonight with Boy Abunda na kung saan nalaman ni Jake Cuenca ang pagkakaroon ng crush ni Pinoy Big Brother Otso adult Big 4 housemate na si Fumiya Sankai sa kanyang girlfriend na si Kylie Verzosa.

Hiningan ni Boy Abunda ng message si Jake about this during his guesting sa Tonight With Boy Abunda.


Pabiro ang sagot ni Jake na nagsabing, “Fumiya, bagong salta ka pa lang ha. Kabago-bago mo, tumatapak ka na dito. Joke lang.”



Hindi naman na-offend si Jake sa pagkakaroon ng crush ni Fumiya sa kanyang girlfriend, sabi pa niya!

“Actually, nag-tweet ako diyan eh. Sinabi ko, he has great taste. He has good taste. So, for me, I wish him the best of luck in his new career at sana makilala ko siya in person,”


Ngunit minasama ng netizens ang biro ni Jake Cuenca kay Fumiya, kaya lait ang inabot ng aktor sa mga bashers at ibang mga fans ni Fumiya.

Ito ang ilang kumento ng netiznes!

“Yabang nito cno kya ang mas mabango bibig sa inyo ni Fumiya, tingnan mo nga sarili mo Jake dugyot at mukhang over use na.”

“Dapat nga proud ka at humanga yung hapon. Wag masyadong mayabang.”

“Anu nman if bagong salta yun tao? Wla ba cya K magka crush? Wag masyadong mayabang.”

“Grabe naman makasabi ng bagong salta?! Crush lang naman. Ano nabawasan ba c Kylie? Bakit asawa mo na ba? Yabang huh?!”

“Ang isa sa pinakamayabang na a POGING pogi sa sarili. Ever since ayaw ko na talaga sa tao na to mayabang talaga.”


Loading...

Comments