Meghan Young, madalas daw kilabutan sa taping dahil sa upcoming show nila na “Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko”

Photo from: Meghan Young Instagram
Meghan Young kinareer ang upcoming show na “Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko” ang kanilang pictorial para sa nalalapit na premiere ng Afternoon Prime series.

Photo from: Meghan Young Instagram
Dahil katatakutan ang tema nito, ramdam daw ang misteryo mula sa lokasyon, ilaw at special effects sa pictorial ng cast members na sina Rayver Cruz, Megan Young, Kim Domingo at Kris Bernal.

Photo from: Meghan Young Instagram
Nandoon din ang mga paranormal experts tuwing taping dahil hindi biro ang tatakbuhin ng kuwento.

“Mahina talaga ang loob ko ‘pag nanonood ako ng nakakatakot. Alam kong iba kapag ikaw ang sinu-shoot kaysa kapag ikaw ang nanonood so kailangan ko ng lakas ng loob,” kuwento ni Megan na madalas kilabutan sa taping nila.

“Siyempre ang importante ‘yung faith mo kay God at dapat mag-pray,” dagdag pa ni Kim.

Photo from: Meghan Young Instagram


Comments