Lolit Solis na-bash matapos ikumpara si Angeline Quinto kay Julie Anne San Jose


Kamakailan lang ng mag-viral sa social media ang sinabi si Aling Lolit matapos ipagkumpara si Julie Anne San Jose at Angeline Quinto.

“Hanggang ngayon hindi ko pa rin madiscover kung ano ang kulang kay Julie Anne kung bakit hindi pa niya ma hit ang jackpot. Kahit magalit sa akin mga fans ni Angeline Quinto sasabihin ko na mas maganda at sexy si Julie Anne.


“Puwede din tulad ni Rita Daniela na na-hit ang jackpot nang gawin iyong Special Tatay, hindi pa rin nakikita iyong missing link for Julie Anne. Maganda, sexy, talented, professional, ano ang kulang? - aniya pa


“Mahal siya ng team ng production at publicity kaya walang bakante matatawag para sa enhancement ng career niya. Julie Anne is a package na kulang pa siguro sa proper wrapping kaya hindi pa nalalagay sa A list.”


That was her Instagram aria which resulted to her and Julie Anne’s bashing.
“Ang tanong ko naman Manay Lolit ay kung sino ang mas sikat, mas maraming singing engagement both local and abroad at sino ang mas mayaman? Nothing against Ms San Jose but you were the one started the fire. So, pakisagot ang mga tanong.


“And by the way, Angeline is a singer/performer at hindi Beauty Queen (and Julie Anne also). So, anong ipinaglalaban mo Manay? Ano bang mga awitin ng manok mo ang sumikat? Kung meron, ilan kumpara sa dami ng sikat na awitin ni Angeline. Kawawa naman si Ms San Jose, maba-bash ng dahil sa iyo.”



Comments