Liza Soberano, sinagot ang breakup rumors nila ni Enrique Gil sa pamamagitan ng Instagram photo





Naging talk of the town sina Liza Soberano at Enrique Gil nang ipinakita ni Liza ang kanyang Instagram photo kasama si Enrique Gil bilang sagot sa mga rumors na sila daw ay nagkahiwalay.

Nasa labas ng bansa ngayon si Liza Soberano para sa kanyang surgery habang si Enrique Gil naman ay nasa bansa dahil sa mga inaasikasong projects nito.

Sinagot na ni Liza ang rumors dati pa nung ininterview siya ni Ogie Diaz habang magkalayo pa sila ng kanyang long-time boyfriend.


Sa isang Instagram post na nakapangalang Jonilyn Castillo ay ipinost nito ang photo nina Enrique Gil at Liza na magkasama sa isang room habang inaalagaan ang girlfriend nito.



Isang netizen ang nagreak sa post :
“Sweet! Enrique taking care or giving antibiotics to Liza through her PICC (IV) line. Naka gloves pa si Doc. Hay! They will always be there for each other, through good times and hard times.”


Screenshot via Fashion Pulis
Source: Instagram

Sinagot din ni Liza ang rason sa pagkakawala niya sa bansa at sa ibang shows. Sinabi niya na pumunta sya sa ibang bansa para sa kanyang operasyon sa kanyang serious finger injury at nagpapagaling pa ito.


Si Liza Soberano ay sumikat sa iba't-ibang teleserye at movies ng Abs-Cbn tulad ng "Dolce Amore" at "My ex and whys". Nag umpisa sya bilang karibal ng mga palabas kasama nila Daniel Padilla at Kathryn Bernardo bago ito sumikat ng husto. Nang nakita ng mga netizens na may chemistry sina Liza at Enrique ay binigyan sila agad ng mga proyekto na silang dalawa na ang main characters at naging isa sa mga sikat na love teams sa bansa.


Sa matagal na nilang pagsasama sa mga proyekto at telebisyon ay inamin din nila na sila ay real life couple noon sila ay ininterview ni Vice Ganda sa "Gandang Gabi Vice."

Comments