Lea Salonga nagwala, minura ang derma clinic


Kamakailan lang ng maging usap-usapan ang mga post ni Lea Salonga sa kanyang Instagram acoount na kung saan namutiktik daw sa "mura" o "d*rty words" ang Instagram ni Lea Salonga kaugnay sa promo ad ng isang beauty product.

Agad itong nag-viral sa social media dahil base sa post ni Lea, lumalabas na uminit ang ulo niya sa caption ng ad na nagsasabing lalaya­san na niya ang showbiz dahil sa iniendorso niyang facial care.


Ipinagdiinan ni Lea na isa lang ang iniendorso niyang skin care clinic at wala nang iba. Biglang naging halim*w daw si Lea at lumabas ang pagiging matar*y niya.


Binawasan lang ni Lea ang sinulat at nilagyan ng star sign pero alam ng mga nakakabasa na ang kabuuang salita ay d*rty o mura.

“And once again, the rats come out to play.

“Folks, if you come across one of those Lea Quits Showbiz bulls***** ads, those are fake. One, I’d never quit. This is what I love to do. Two, I am under contract with Facial Care Center and I’m not endorsing any other skin care products or services or starting my own. Whoever dreamed that up is team of mother***ers with way to much time on their hands.

“Thanks for you time.”
Marami ang nagulat sa post na ito ni Lea pero lahat ng mga follower niya sa Instagram at Twitter ay sumusuporta sa pagkondena niya sa panggagamit sa kanyang pangalan ng isang derma clinic.


Hindi lang si Lea ang biktima ng fake news, kundi maging sina Judy Ann Santos at Amy Perez ay ginamit ng magkaibang networking team para makahakot ng kliyente nila.

Nanawagan sina Juday at Amy sa kanilang mga IG post at sinabing fake ang ad ng mga ito. Hindi nila iniendorso ang mga ito.

Comments