Justin Bieber hinamon daw ng "bugbugan" si Tom Cruise

Photo from: People
Hinamon ni Justine Bieber ang Hollywood actor na si Tom Cruise sa isang “bugbug*n”. Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, ipinost ni Justin ang kanyang challenge laban kay Tom.

I wanna challenge Tom Cruise to fight in the octagon. Tom if you don’t take this fight your scared and you will never live it down. Who is willing to put on the fight? @danawhite,” tweet ng Canadian singer.


Ang Dana White na kanyang tinutukoy ay ang head ng Ultimate Fighting Championship (UFC).
Kanya-kanya namang comments ang netizens sa paandar ni Justin, kabilang na nga riyan ang UFC champion na si Conor McGregor.


“If Tom Cruise is man enough to accept this challenge, McGregor Sports and Entertainment will host the bout. Does Cruise have the sprouts to fight, like he does in the movies? Stay tuned to find out!” ayon kay Conor.


Wala namang binanggit si Justin kung bakit si Tom ang gusto niyang makalaban pero ayon sa isang netizens, may malalim na hugot daw ang Canadian singer sa bida ng Hollywod movie na “Mission Impossible”


Comments